Abante Tonite Interactive

McCullough, Fajardo pinasirit ang Phoenix

268

Lumaklak ng double-double job sina import Chris McCullough at June Mar Fajardo upang pamunuan ang San Miguel na patagasin ang Phoenix Pulse, 128-108, at manatiling kontender sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup playoffs Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Diniin ni McCullough na ‘di tsamba ang pasiklab niyang anim na tres pa-47 points nitong Biyernes sa 109-105 win sa NLEX, nang sa pagkakataong ito’y nagganansiya sa Beer ng 37 points at 13 rebounds panukli sa 22 markers. at 14 boards ni reigning 5-time MVP Fajardo, na nahirang ding best player of the game.

Banderang-tapos ang second straight win ng mga Beermen para sa 4-5 at umakyat sa seventh place ng elims standing, nabuhayan sa quarterfinals, tinulak sa tablahan sa eight ang biktima, kakartada ang dile Alaska sa 4-6.
Lumamang ng hanggang 28 sa sultada ang serbesa bago nilagot ang maigting na rally. (Lito Oredo)