Abante Tonite Interactive

McCullough, Jones puwedeng magpetiks

412

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — SMB vs. Meralco
7:00pm — Magnolia vs. TNT

Anuman ang resulta ng second game final day ng eliminations mamaya sa Smart Araneta Coliseum, selyado na ni Terrence Jones at 9-1 TNT KaTropa ang isa sa top two na win-once sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Sa kabilang banda, importante sa 5-5 Magnolia na pinamumunua­n ni ang panalo para umangat sa standings. Nasa fifth place sa kasalukuyan ang Hotshots kabuhol ang San Miguel Beer na binabalikat ni Chris McCullough.
Sigurado nang may knockout game para sa eighth at last slot sa next round sa Miyerkoles – Alaska vs. Phoenix o Alaska vs. Meralco, depende sa resulta ng mga laro ngayon. Sa first game ay bakbakan ang San Miguel at Bolts.

Abante Hiring – IT dep

Kapag nanalo ang TNT, No. 1 sila at No. 2 ang NorthPort, parehong twice-to-beat laban sa No. 8 at No. 7.

Best-of-three ang No. 3 vs. No. 6, at No. 4 vs. No. 5.

Alinman sa No. 5 o No. 6 ang sasadlakan ng Magnolia. Kapag nanalo, fifth ang Hotshots at haharapin ang No. 4 Ginebra sa next round. Kung natalo, sixth ang Magnolia kontra No. 3 Blackwater.

Agawan sa fifth-seventh ang SMB (5-5) at Rain or Shine (5-6). Kapag may nagbuhol sa 5-6, No. 5 ang Magnolia dahil sa mas mataas na quotient.
Kung magtatabla ang tatlo sa 5-6, magiging No. 7 ang SMB.