McCullough malubha tama

May matinding hamon si former Philippine Basketball Association import Chris McCullough ng San Miguel Beer na magtamo nang malubhang injury.
Punit ang left anterior cruciate ligament ng 27-anyos na Kano sa laban ng nilalaruan niyang New Taipei Kings kontra Taoyuan sa 2021-22 P. League+ Tournament sa Taiwan noong Martes.

Pero nitong Lunes lang inanunsyo ng liga na out muna ang basketbolista dahil sa nasabing injury. Tatagal ng 6-8 buwan ang gamutan sa kanya. (Aivan Episcope)