Abante Tonite Interactive

McCullough nagpakain ng bata

384

Kung ano’ng bangis ni Chris McCullough sa loob ng court, siya namang lambot ng puso niya sa labas.

Huwebes ay nag-post sa Twitter si McCullough hinggil sa isang batang binusog niya ng pagkain at pinalamanan ang bulsa.

“Kid just came up to me and asked me for money, instead I took him with me to get a meal, bought him some snacks and gave him enough pesos so that he’s good for the week!!!” ani C-Mac.

‘Di binanggit ni McCullough kung saan niya pinakain ang bata, pero paborito ng San Miguel Beer import ang chicken joy ng Jollibee.

Sayang lang at ‘di sila magka-size ng paa ng bata. Pero nagkasapin pa rin sa paa ang paslit.

“Wish I had sneakers his size, he was barefoot but I had extra socks so I made sure he got!” dagdag ni McCullough, dinugtungan ng emoji ng heart at Philippine flag.

Ang teammate niya sa SMB na si Chris Ross, natuwa.

“Full circle blessings bro!” ani Ross.

Sa 99-94 win ng San Miguel kontra TNT sa Game 5 ng PBA Commissioner’s­ Cup nitong Miyerkoles, naglista si McCullough ng 35 points mula 13 of 28 shooting, 8 of 9 sa free throws, may 22 rebounds, 4 assists at 3 blocks panapaw sa 7 turnovers.

Abante ang Beermen sa series 3-2, Game 6 ng best-of-seven mamaya sa Smart Araneta Coliseum. (Vladi Eduarte)