Abante Tonite Interactive

McCullough pabibo agad, SMB sinenglot ang NLEX

0 328

Pasiklab agad si Chris Mccullough sa binyag niyang sabak sa PBA Commissioners Cup eliminations, tumagay ng 47 points sa likod ng 6-of-12 sa three-point shot at inangklahan ang San Miguel Beer sa paglasing sa NLEX, 109-105, sa Mall of Asia Arena, Pasay Biyernes ng gabi.

May 10 rebounds, 2 steals at 1 each assist at block ang bagong import na pumalit kay Charles Rhodes para putulin ang kambal na kalbaryo ng SMB sa midseason conference, at umangat sa 3-5. Salya ang NLEX sa 2-8.

Pero ang floating jump shot ni Christian Standhardinger ang nagpalayo sa Beermen sa 28 points sa tiklop ng third period, 97-69, mula sa paghahabol ng winning team sa 44-49 down buhat sa triple ni JR Quinahan, may 1:18 sa second quarter.

Nakatapos si Standhardinger ng 12 markers at may tig-11 pa bawat isa sina Alex Cabagnot at Marcio Lassiter para eklipsehan ang 31 pts. at 15 boards ni Ouseyi Ashaolu sa panig ng Road Warriors. (Lito Oredo)

Ang iskor:

San Miguel 109 – McCullough 47, Standhardinger 12, Lassiter 11, Cabagnot 11, Fajardo 8, Pessumal 8, Romeo 6, Santos 3, Rosser 2, Ross 1.

NLEX 105 – Ashaolu 31, Tiongson 14, Cruz 11, Erram 10, Paniamogan 8, Soyud 7, Quinahan 7, Galanza 5, Rios 4, Varilla 3, Ighalo 3, Lao 2, Taulava 0.

Quarters: 25-24, 52-51, 97-69, 109-105.(Lito Oredo)