Abante Tonite Interactive

McCullough, SMB rumesbak; serye tabla

329

Pinunan ni Chris McCullough ang stat sheet sa 27 points, 22 rebounds, 4 assists, 1 steal at 1 block upang pasanin ang San Miguel Beer sa pagdistrungka sa TNT, 106-101, at itabla ang 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup best-of-seven Finals sa tigalawang panalo sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi.

May mahalahang sinukli sa import na 25, 22 at 14 markers sina team skipper Alex Cabagnot, June Mar Fajardo at Von Pessumal upang iresbak ang Beerman sa 115-105 Game 3 loss nitong Biyernes.

Binalewala ng Beermen ang pagkakaubos ng importanteng timeout sa natitirang apat na minuto ng puno ng aksiyon na serye upang itulak ang serye sa matira-matibay na huling tatlong laro.

“Great job for our small, they just hit the shot and we just finish the game. We decided to do three stops in a row, and that gives us the game,” sabi ni Mccullough.

Isang layup ni Chris Ross ang nagtulak sa Beermen sa pinakamataas na 15 puntos na kalamangan sa 11:53 ng final quarter, 84-69, tapos maghabol sa bentahe ng KaTropa sa anim na puntos.

Una nito ay ibinuhos ng Beermen ang kabuuang 31 puntos sa ikatlong yugto tampok ang 15-2 bomba sa huling limang minuto kung saan magkasunod na tres ang pinakawalan nina Cabagnot at Pessumal habang habang nadiyeta ang karibal sa para sa 82-69 lead sa third period. (Lito Oredo)