Abante Tonite Interactive

McDaniels, Moore ipaparada ng TNT

372

Dalawa do-it-all imports ang ipaparada ng TNT KaTropa sa East Asia Terrific 12 tournament sa Macau.

Sina dating Houston Rocket KJ McDaniels at one-time Mighty Sports import McKenzie Moore ang aayuda sa KaTropa sa week-long tournament.

Si McDaniels din ang reinforcement ng TNT sa season-ending PBA Governors Cup.

Uumpisahan ng KaTropa ang kampanya sa nightcap mamaya kontra Chinese squad Liaoning Flying Leopards. Ka-bracket ng dalawa sa Group D ang Niigata Albirex ng Japan B League.

Gigiyahan ng lehitimong NBA player na si Lance Stephenson ang Liaoning, kasama sina Salah Mejri at Chinese national players Guo Ailun at Zhao Jewel.

Kalalaro lang nina Guo at Zhao sa 18th FIBA World Cup 2019 sa bansa nila.

Magkikita muli sa Macau sina Troy Rosario at RR Pogoy at si Mejri, pamato ng Tunisia na nanambak sa Gilas Pilipinas 86-67 sa second round sa China World Cup. (VE)