Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McDaniels, NLEX sinorpresa SMB

0 114

Mga laro ngayon (Ynares Sports Arena-Pasig)
3 pm – Terrafirma vs Phoenix
6 pm – Blackwater vs Rain or Shine

Tinakbuhan ng NLEX ang San Miguel Beermen para kumpletuhin ang 114-102 panalo sa opener ng kani-kanilang kampanya sa 46th PBA 2021-22 Governors Cup Miyerkoles ng gabi.

Pasiklab ng 27 points, 11 rebounds, 6 assists, 2 steals at 1 block si KJ McDaniels para giyahan ang Road Warriors. Bumakas ng tig-12 sina Don Trollano at Kevin Alas na namigay pa ng 8 assists.

Na-outscore ng NLEX ang Beermen 34-28 sa third para ilayo 86-79 papasok ng fourth.

Tumagay ng 19 points sa first quarter lang mula 7 of 12 shooting si SMB import Brandon Brown, pero mula roon ay 3 of 9 na lang sa field tungo sa 36 points, 13 rebounds at 7 turnovers.

Related Posts

Nag-ambag si June Mar Fajardo ng 20 points at 10 rebounds.

Sa first game sa Ynares Sports Arena sa Pasig, naligtasan ng Alaska ang NorthPort 87-85 sa clutch jumper ni Rob Herndon.

Humarabas ng 20 points, 11 rebounds si Olu Ashaolu, tumikada si Jeron Teng ng 19 points sa Aces.

Nagsalansan ng game-high 23 points si Arwind Santos na kinapalooban ng tatlong kabit na 3s para idikit ang Batang Pier 83-81, bago inagaw ang lead 85-84 sa basket ni Greg Slaugther. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.