Abante Tonite Interactive

McDaniels tinumba ang SMB

543

Nagtulong sina import KJ McDaniels at Troy Rosario upang itulak ang TNT KaTropa sa 115-109 pagwawagi kontra San Miguel Beer tungo sa pagsungkit sa ikatlong puwesto sa quarterfinals ng 2019 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Umiskor si ­McDaniels ng kabuuang 44 puntos, 12 rebounds, 6 assists, 2 steals at 5 blocks kabilang ang krusyal na blangka sa huling segundo habang umiskor si Rosario ng 30 puntos dagdag ang 10 rebounds at 2 assists upang ­ibigay sa KaTropa ang kabuuang 8-3 panalo-talong kartada katabla ang NLEX Road Warriors at Meralco Bolts.

Isinalpak ni ­McDaniels ang isang tres na nagbalik sa abante sa KaTropa bago sinelyuhan ni Ryan Reyes sa dalawa nitong free throw ang panalo ng TNT.

Unang inagaw ng Beermen ang abante sa 44.1 segundo sa tres ni import John Holland upang ibigay ang unang paglasap ng Beermen sa abante subalit agad itong binawi ni McDaniels. (Lito Oredo)