Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McDonald’s, GrabFood kinuyog sa kapalpakan

0 48

Napuno ng mga GrabFood rider ang McDonald’s branch sa McArthur Highway sa Valenzuela City sa loob lamang ng isang oras dahil sa bagal ng serbisyo nito.

Sa pagkainip, tinawag ng netizen na si Poor Some (@elcrocki) ang pansin ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa Twitter alas-2:13 kahapon dahil sa tagal ng waiting time ng mga rider.

“Mayor patulong naman kaming mga grab dito sa MCDO SouthS.Market tambak na kami dito. Tapos galit pa sa amin yung mga CS namin dahil sa tagal. Grabe tipid sa tao ng MCDO. Dami ng rider ang napapagalitan ng CS dahil 40 mins to 1 hr waiting. ND na ito Fastfood,” tweet ni @elcrocki kay Gatchalian.

Sumagot naman si Gatchalian pero may paliwanag ito sa kanya.

“Naku sir parang lahat na yata pinaaako niyo sa cityhall. Wala naman kinalaman ang city hall sa private operations ng grab and mcdo. Ang sakop ko lang public operations of city hall,” tweet ng alkalde.

Payo niya kay kay Poor Some (@elcrocki), kausapin nito ang kanilang operator sa Grab para siyang kumausap naman sa McDonald’s.

Sagot naman ni Poor Some (@elcrocki): “okay po. baka sakaling matulungan nyo lang po kami. salamat po sa response.”

Matapos ang isang oras, nasa McDonald’s pa rin si Poor Some at nag-tweet ng litrato na dumami na ang mga GrabFood rider na naghihintay ng mga order na kailangang ideliber.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bugso ang mga order sa McDonald’s sa Grab dahil sa 50% promo nito.

Para sa mga ngayon pa lang gagamit ng GrabFood app, puwede silang maka-discount ng 50% sa McDonald’s sa Metro Manila hanggang March 6 gamit ang promo code na GFMDO50.

“50% OFF! Need we say more? Order whatever McDonald’s cravings you want for half the price! No min. order required, no max discount cap. Valid for one-time use for NEW GRABFOOD USERS,” FB post ng GrabFood PH.

Sabi ng isa pang netizen na rider din ng GrabFood na si Ricky Dulay: “McDo Quirino huwag kayo mag promo kung sira yung thermal nyo..Pinahaba nyo lang mga ila ng GrabFood rider.”

Dahil sa gulo, nagkakamali na ang mga order at umaayaw na ang mga GrabFood rider sa McDonald’s.

Reklamo ni Lynn Distrito sa post ng official Facebook page ng GrabFood PH na nagaanunsyo ng promo: “How can I get the number of the rider? I have missing order po.”

Sabi naman ni Lyenna Lizabet sa parehong thread sa FB ng GrabFood PH, “bakit cinacancel ng rider nyo? Nka 2 order na kami parehas cinancel.”

Dagdag pa ni Lyenna Lizabet, “SCAM!!! Hahaha magagamit ung promo biglang cancel ng rider!!!!!” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.