Abante Tonite Interactive

McDonald’s tatanggap na ng PWD, senior

246

Tatanggap na ng mga empleyadong senior citizen at mga person with Disabi­lity (PWD) ang Human Capital Groups, Golden Arches De­vlopment Corporation (McDonald’s) sa lahat ng kanilang sangay sa Caloocan City.

Ito ay matapos magkasundo at pormal na lagdaan nina Ma­yor Oscar Malapitan at Ms. Chong Concepcion Toree, Senior Vice Pre­sident ng Mcdo­nalds ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Employment of the Elderly and Person with Disabilities.

Ayon sa alkalde, ang programang ito ay naglalayong bigyan ng pagkakataon na makapaghanap- buhay pa ang mga nakakatanda at PWD lalo na kapag ‘fit to work’ pa na naman ang mga ito.

Sa ilalim ng MOA, nakasaad na tatlong McDonald’s store sa Caloocan City (Maypajo branch, MCU branch at Vicas branch) ang tatanggap ng mga senior at PWD bilang kanilang mga emple­yado.

“May mga senior po tayo na mala­kas pa at maari pang maghanap buhay. Sayang naman kung matetengga lang sila sa kanila-kanilang bahay. Ang isa pa, maraming mga PWD ang may mga talento kahit pa sila ay may kapansanan,” ayon sa alkalde.

Umaasa ang alkalde na makiisa rin sa nasabing proyekto para sa mga senior at PWD ang iba pang food chain na nakabase sa lungsod upang sa gayon makapagtrabaho at kumita pa rin ang mga ito. (Orlan Linde)