Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McGregor inaaral istilo ni Pacquiao

0 119

Ikakasa pa lang ang laban, pinag-aaralan na two-division Ultimate Fighting Championship (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor ang istilo ni eight-division world boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Naniniwala ang Irish mixed martial arts na matutuloy ang laban at desididong itumba ang Pinoy ring icon.

Nakipag-sparring na si McGregor sa mga kaliweteng kagaya ng fighting senator.

“I have been fighting professional boxers in the gym, sparring with southpaw boxers,” pahayag ni McGregor sa Huwbes sa sports.net.ca.

Hinirit pa niyang maseselyuhan na ang nakatakdang pakikibugbugan niya sa pambansang Kamao. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.