Abante Tonite Interactive

McGregor nirereto ni Arum kay Crawford

360

Tapos mapataob ni MMA superstar Conor McGregor si Donald Cerrone nitong weekend sa UFC 246, may nakalinya na agad siyang laban.

Nais ni Top Rank promoter Bob Arum na magkaroon ng two-fight deal kasama si UFC president Dana White para labanan ni McGregor si undefeated welterweight world boxing titleholder Terence Crawford.

Una sa two-fight deal ang laban na gagamitan ng MMA rules at boxing rules naman sa ikalawang pagtatagpo.

“You’ve got an elite boxer in Terence Crawford fighting an elite MMA guy in Conor McGregor under MMA rules,” saad ni Arum sa ESPN nitong Miyerkoles. “You don’t think that would be interesting and something the public would want to see? I think it’s very realistic.”

Willing naman sa parte ni Crawford, na may wrestling background, na lumaban sa ilalim ng MMA rules at handang harapin si McGregor.

Ibinahagi rin ni Arum na mayroon ng ugnayan ang dalawang panig.

“Whenever they are ready, we are ready,” paliwanag ni Arum. “We’d do the MMA fight first if that’s what they want.”

Taong 2017 nang lumaban sa boxing match si McGregor kontra kay Floyd Mayweather Jr. pero natalo. (JAT)