Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McGregor, Poirier mag-uupakan

0 77

Nilagdaan na nitong Biyernes (Manila time) ni mixed martial arts star Conor McGregor ang agreement na labanan si Dustin Poirier sa main event ng UFC 257 sa Enero 23 sa susunod na taon, ayon sa ulat ng ESPN.

Magre-rematch ang dalawang UFC fighter sa 155-pound match na tinitingnang ganapin sa Las Vegas o Abu Dhabi.

Una nang napataob ng 32-year-old Irish si Poirier ng Estados Unifdos noong 2014 sa UFC 178.

Enero ngayong taon, 40 segundo lang ang kinailangan ni “The Notorious” upang pabagsakin si Donald Cerrone sa UFC 246 welterweight main event

Inanunsyo ni McGregor ang kanyang retirement sa paglalaro habang naging matunog din ang kanilang laban sa boxing ring ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa panahon ng pandemya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.