Abante Tonite
Mabilis sa Balita

McLaren, 54 pang puslit na kotse dinurog

0 144

Nasa 55 pinuslit na mamahaling kotse ang winasak ng Bureau of Customs (BOC) kahapon, kabilang ang isang McLaren 620r supercar na nilista bilang Porsche Cayman sa Port of Manila noong nakaraang taon.

Ang 620r, na road-legal version ng GT4 racecar, ay nagkakahalagang P33 milyon at nasuri na P16.771 milyon sa duties at taxes.

Sinamsam ng BOC itong supercar noong Agosto 2020 dahil P1.5 milyon lang ang dineklara ng importer nitong Llorin Trading sa duties at taxes.

Bagaman minungkahi ng mga netizen na i-auction na lang ng pamahalaan ang supercar, dinurog pa rin ito ng BOC alinsunod sa patakaran nito at dahil naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagwasak sa kotse ay magbibigay ng malakas na mensahe hinggil sa giyera ng gobyerno kontra smuggling.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa McLaren, winasak din ng Customs sa Maynila at Cagayan ang Hyundai Genesis, isang 2007 Bentley, isang pre-loved Porsche 911 C2S, isang secondhand na Mercedes-Benz, isang Lotus, isang Toyota Solara, at 14 Mitsubishi Jeep.

Ang paggiba sa mga mamahaling kotse ay nasaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Finance (DOF) at Commission on Audit (COA), at ilang opisyal ng BOC.

Nito lang Pebrero, sinira rin ng BOC ang 17 puslit na motor vehicle mula sa Manila International Container Port, Port of Cebu, at Port of Manila. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.