Abante Tonite Interactive

Measles outbreak nakontrol na — DOH

147

Malapit na umanong alisin ang measles outbreak ng Department of Health (DOH) matapos na makaranas ng unti-unting pagbaba ng bilang ng mga naitatalang nabibiktima ng sakit.

Sa ginanap na pulong balitaan para sa selebras-yon ng World Immunization Week, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na mula sa naitalang 3,743 kaso ng tigdas noong kasagsagan ng outbreak noong ikatlong linggo ng Pebrero, ay bumaba na lamang sa 775 ang nai-rekord nilang kaso ng tigdas nitong ikatlong linggo ng Abril.

Bukod pa sa may mga lokalidad pa na hindi na nakakapagtala ng mga kaso ng tigdas sa kanilang lugar.

Gayunman,hindi pa aalisin nj Duque ang gina­wang deklarasyon ng measles outbreak sa bansa.

Sa kabila nito, muli rin hinikayat ni Duque ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa mga health centers sa kanilang lugar.

Batay sa datos ng DOH, mayroong 31,056 measles cases na naitala sa buong bansa mula Enero hanggang Abril 2019, at sa nasabing bilang 415 ang iniulat na nasawi.(Juliet de Loza-Cudia)