Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MECQ umiepekto na – Vergeire

0 185

Unti-unti nang nakikita ang epekto ng 2 linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) na ipinatupad ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) kamakailan.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nakikitaan na nila ng pagbabago ang bed occupancy rate sa mga pagamutan sa Metro Manila dahil bago ipinatupad ang MECQ ay nasa hanggang 86% na ang occupancy rate ng mga pagamutan sa NCR.

Sa ngayon ay nasa 76% na lamang malalipas ang 2 linggo.

“Gradual, nakikita natin nade-decongest ‘yong mga ospital. From naghi-hit tayo bago tayo mag-MECQ ng mga 86, 81 percent sa occupancy rate sa National Capital Region. Ngayon naman, napapababa natin ng kaunti. Nasa 76 percent tayo, although much is still one thing,” ayon kay Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.