Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Medal of Excellence kay Hidilyn pasado na

0 99

Pinagtibay ng Kamara nitong Lunes ang isang resolusyon para sa pagbibigay ng Congressional Medal of Excellence sa mga natatanging Pilipino at ang unang tatanggap nito ay si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Ibibigay ang naturang parangal ng Kamara sa mga atletang Pinoy na mananalo ng gintong medalya sa Olympics.

Ang House Resolution No. 1981 ay akda nina Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano.

Samantala, pinagtibay din ng Kamara ang House Resolution No. 2041 na kumikilala sa tagumpay ni Diaz at ang pagbibigay dito ng Congressional Medal of Excellence kaugnay ng kanyang panalo sa Tokyo Olympics.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.