Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Media exec sa GenSan tinodas ng tandem

0 188

Nasawi ang isang media executive nang barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa General Santos City nitong Biyernes.

Idineklarang dead on arrival sa St. Elizabeth Hospital si Yentez Quintoy, ang 34-anyos na executive office director at chief of staff ng Brigada Group of Companies, nang tambangan siya ng riding-in-tandem alas-12:15 ng hapon sa NLSA Road, Barangay San Isidro. Pauwi sana ang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, tumama ang bala sa balikat ni Quintoy pero dumiretso umano ito sa kanyang dibdib kaya siya namatay.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala, nag-alok naman ang Brigada Group of Companies ng P1 milyon sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.