Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Media, info worker kikilalanin

0 37

Makikiisa ang Philippine Sports Commission (PSC) sa selebrasyon ng UNESCO World Development Information Day sa isang special episode tampok ang ilang piling media workers at personalidad sa Sabado, Nobyembre 27.

Kikilalanin ni PSC Commissioner Celia Kiram at ng ahensya ang impormasyon at epektibong disiminasyon nang napahalaga sa pagpapaunlad sa araw-araw na buhay ng mga Pinoy.

SM food to go Banner Ad

Sa episode ng PSC Rise Up, Shape Up na dumayo sa Mt. Batolusong, na kilala Mt. Susong Dalaga, sa Jalajala, Rizal, kasama roon sina influencers Renz Marcelino at Aliyah Bianca Dio, film director Enzo Manago, news correspondent Jasmine Payo, at sports and features correspondent Pauline Verzosa.

“Factual information is very important now and always, especially now that we are in a global health crisis. We want to honor the people doing a great job in disseminating information with integrity and reliability,” ani Kiram. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.