Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Media mahalaga sa laban kontra COVID – Velasco

0 172

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng media sa patuloy ng paglaban ng bansa kontra COVID-19.

Ito ang binigyan diin ni Speaker Lord Allan Velasco sa kanyang pagsasalita sa isinagawang pulong at oathtaking ng bagong napiling opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Igniit ng House leader ang mahalagang papel ng media sa pagpapakalat ng mga totoo at makapagkatiwalaag balita at impormasyon sa gitna ng pandemia.

“Timely, accurate, and verified information received thru the mainstream media has justly empowered our people, enabling greater and more equitable access to health care, preventing discrimination, and avoiding social stigmatization,” mensahe ni Velasco.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Velasco, ang pagkakaroon ng totoo at makapagtiwalaang impormasyon gayundin ang Malaya at independienteng pamamahayag ay napakahalaga sa pagsusulong ng malinaw at pananagutan na makapagbigay ng tiwala sa publiko at suporta sa paglaban ng pamahalaan kontra Covid 19

Bukod sa pagbibigay impormasyon sa publiko , malaking tulong rin ang media sa pagbibigay proteksiyon sa kalusugan at kaligtasan ng Komunidad sa pamamagitAn ng pagpigil sa pagpapakalat hindi Lang ng virus Kundi ng mali at walang katotohanang impormasyon.

“We express concern at the damage which can and has been done by the spreading of false or manipulated information about the disease and government’s pandemic response.cWe need to push back on disinformation and propaganda, and the support of mainstream media is crucial in this fight.”(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.