Abante Tonite Interactive

Media nganga sa paasang solon

1,922

Maraming mamamahayag ang nairita sa isang solon na sobrang naging paasa sa huling araw ng sesyon.

Ito ay dahil sa inasahan ng mediamen ang malaki sanang balita mula sa mambabatas dahil sa ilalabas niyang report hinggil sa imbestigasyon sa isang kontro­bersyal sa isyu.

Ang siste, ilang araw bago mag-Lenten break ang Kongreso ay ipinagmamalaki na ni Sir ang kanyang report at mga rekomendasyon na anya’y pinagpaguran, pinagpuyatan at pinaghirapan nila kasama ng kanyang mga staff.

Wala pa nga raw silang tulog nang ilang araw na upang puliduhin ang kanilang report.

Isang araw bago ang huling sesyon, nangako ang ating bida ng malaking balita kinabukasan.

Umaga nang huling session day, muli itong nangako na ilalabas ang report hanggang sa dumating ang oras ng session.

Sinabi ng Solon na sa kalagitnaan ng kanilang sesyon ay ihahabol ang report.

Subalit umabot na nang gabi ay walang nailabas na report ang naturang solon sa katwirang may finishing touches pa na isinasagawa.

Kaya naman, ang ending umuwi ang mga reporter na nganga as in wala na pala.

Ang ating bida ngayon ay may letrang O sa kanyang apelyido as in OH My God! Wala syang sawa sa daldal.