Abante Tonite Interactive

Media sinama ng PSC sa HoF Review Committee

199

Babalangkas ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee na mga sports media practitioner ang bubuo upang makatulong sa pagrebisa at ebalwasyon sa mga inonomina para sa ika-apat na grupong mga iluluklok sa nasabing karangalan sa Nobyembre.

Sa Republic Act No. 8757 na kilala rin bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee na kabibilangan ng Philippine Sports Commission (PSC) chairman, Philippine Olympic Committee (POC) president, Games and Amusement Board (GAB) chairman, tigdalawang miyembro ng POC accredited NSA at private sector ang mga ­makakapili para sa inductees.

“It is for this reason that the PSC, for the longest time, has been seeking the help of our partners from the sports media in the evaluation process of the Hall of Fame. We recognize their knowledge of the history of our country’s sports legends,” ani PSC Chairman William Ramirez kahapon.

Ang pagbubuo ng review committee ay unang isinagawa sa panahon ni dating PSC chairman Harry Angping noong 2010. (Lito Oredo)