Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Media sinuntok, sinipa ng botante

0 42

Sinuntok at pinagsisipa ng isang babaeng botante ang isang media practitioner na umaawat lamang sa pagtatalo ng suspek at isang poll watcher sa isang voting precinct sa Balayan, Batangas.

Kinilala ang mamamahayag na si Edgardo Borita, radio correspondent ng J105.5 FM Big Radio sa Batangas.

Sa report ng Balayan police, nagko-cover ng election si Borita sa Jose Chua Ben Chong Memorial Elementary School sa Brgy. Magabe nang makita nito na mainitang nagtatalo ang botante at poll watcher.

SM food to go Banner Ad

Nang awatin ang mga ito ni Borita, siya ang pinagbalingan ng botanteng si Lillian Javier Villamin.

Sinuntok umano ito sa mukha, pinagsisipa at pinagmumura ng babae.

Nagharap ng kasong Slight Physical Injury, Slander by Deed and Simple Threat ang mediaman laban sa botante. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.