Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Media task force hinirit kay BBM na palakasin

0 78

Hinirit ng National Press Club (NPC) of the Philippines, sa administrasyon ni Bongbong Marcos na patuloy na suportahan ang paninilbihan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Sa resolusyong ipinasa ng NPC, isa sa pinakamalaki at matagal nang organisasyon ng mga mamamahayag sa bansa, naniniwala ang grupo na ang pagpapatuloy ng operasyon ng PTFoMS ay magpapatunay na pinalalakas ng bagong administrasyon ang malayang pamamahayag na ipinangako nito sa media.

“As one of the national media organizations actively engaged as media-partner and stakeholder of the task force since its creation by President Duterte in 2016, we have seen how effective the task force has been in fulfilling its mandate of giving protection to the life, liberty and safety of all media workers,” pahayag ni NPC president Lydia Bueno.

Aniya, ang pagpapanatili ng PTFoMS sa ilalim ng Marcos administration ay isang malakas na mensahe sa buong mundo, na binibigyan-pansin ng pamahalaan ang malaya at responsableng pamamahayag sa bansa.

Inihahayag din sa Special Resolution No. 1, Series of 2022, na pinapahalagahan ng NPC ang pagkakatatag ng PTFoMS ni Pangulong Duterte sa ilalim ng Administrative Order No. 1 noong October 2016.

Dagdag pa niya, kahit sa maliit na pondo ay nakagagalaw ang task force upang tugunan nito ang tungkulin. Katunayan aniya, ay nakalilikom ito ng mga dokumentong nararapat sa bawat kaso ng karahasang nagagawa sa bawat miyembro ng sektor ng media.

Nagawa rin ng PTFoMS ang malaki nitong papel sa nagdaang May 9, 2022, elections, at ipinunto ni Bueno, na walang naganap ni isa man marahas na pangyayari sa mga miyembro ng media, batay na rin sa mga tala ng Philippine National Police.

“The lack of media-related violence in the May 9 national and local elections is not only a testament to the success of the task force but it is also a first in the history of our elections and something that we should all be proud,” paliwanag ni Bueno.

At para lalong lumawig, iminungkahi ng NPC kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., na gawing commission for media security (PCOMS) ang PTFoMs sa pamamagitan ng Executive Order upang mapalawak ang kakayahan nitong pangalagaan ang kapakanan ng media sector. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.