Abante Tonite Interactive

Medical marijuana bill isasalang sa Kamara

172

Nakatakdang isalang sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang gawing ligal ang medical marijuana sa bansa.

“Sa lower house mai-schedule na sa House committee on health. It’s not a prio­rity measure of the go­vernment but we will start hearing by December,” sabi ni House Depu­ty Spea­ker for Finance Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte Jr. sa isang panayam sa telebisyon.

Kumpiyansa ang mambabatas na magi­ging ligal ang medical marijuana sa bansa na inaprubahan ng Kamara ang panukala noong 17th Congress.

“All we need to do is convince the President and the senators that medical cannabis can help with opioid addiction and there’s me­dical proof to that,” ani Villafuerte.

Matatandaang tinutulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ga­wing ligal ang paggamit ng medical marijuana dahil sa pangamba na gamitin itong excuse ng mga drug user.

Sa kasalukuyan, may tatlong panukala ang nakahain sa Kamara para maalis sa lista­han ng mga mapa­nganib na droga at pahintulutan ang “right and compassionate access” sa medical marijuana.

Isa rito ang panukalang itinutulak ang pagtatatag ng Philippine Cannabis Development Authority. (Lorraine Gamo)