Abante Tonite Interactive

Medical mission sa Bulacan

167

Mapalad ang mga mamamayan sa unang­ distrito ng lalawigan ng Bulacan dahil natutugunan ng walang tigil na medical at dental mission ng kanilang kongresista ang kanilang health problem bukod pa sa pagkakaloob ng livelihood program sa pamamagitan ng tulong-pangkabuhayan.

Inaasahang sa pagpasok ng taong 2020 ay makukumpleto na ni Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado (1st District) ang pagkakaloob ng medical support sa 153 barangay sa kanyang distritong nasasakupan na kinabibilangan ng Malolos City, Paombong, Bulakan, Hagonoy, Puli­lan at Calumpit.

Si Cong. Alvarado, higit na kilala sa tawag na Kuya Jonathan ay hindi tumitigil sa pagkakaloob ng serbisyong medikal sa kanyang mga constituent at bukod sa regular na medi­cal mission ay mayroon din itong Peoples Day at dito niya tinutugunan ang mga inilalapit na suliranin ng kanyang mga kababayan sa abot ng kanyang kakayahan.

Bukod dito, aktibo din si Cong. Alvarado sa sports program na may temang ‘Yes to Sports, No to Drugs’ at siya ang team owner ng Bulakan Kuyas sa MPBL at libo-libong estudyan­te din sa nasasakupang siyudad at bayan­ ang tumatanggap ng scholarship o tulong-pinansyal at awtomatiko itong natatanggap ng mga scholar tuwing pasukan.

Ipinagmamalaki din ng mga barangay official ang kanilang kongresista dahil madali itong malapitan at hindi malayong masundan nito ang yapak ng kanyang amang si dating Gobernador Wily Alvarado na maging gobernador ng Bulacan pagdating ng araw dahil sa kanyang taglay na katangian na isang mahusay at epektibong public servant. (Jun Borlongan)