Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Medical reserve force ng PNP nakatutok sa ECQ

0 78

Naka standby ang Medical Reserve Force (MRF) ng Philippine National police para umagapay sa vaccination programs sa pagbabalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar.

Una ng sinabi ng Metro Manila mayors na plano nilang magbakuna ng 250K katao kada araw sa gagawing dalawang linggong lockdown.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The PNP’s MRF will be on standby in case they will be tapped in the vaccination process during the two-week ECQ,” pahayag kahapon ni Eleazar.

“Malaki-laki ang 250,000 na katao kada araw kaya’t tutulong ang PNP para masigurong magiging maayos, mabilis at ligtas ang bakunahan sa buong Metro Manila,” dagdag pa ng opisyal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.