Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Medical scholarship bill pasado sa Senado

0 55

Sa pamamagitan ng 22 boto, pasado na sa Senado ang panukalang batas para sa medical scholarship.

Layunin ng Senate Bill N. 1520 o Doktor para sa Bayan Act na magbigay ng medical scholarship para sa mga “deserving Filipino student” sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo.

Sakop ng scholarship grant ang tuition at lahat ng iba pang babayaran sa eskuwelahan kabilang din ang board and lodging, transportation at iba pang miscellaneous expenses.

Kasama rin sa scholarship ang gastos para sa internship, medical board review at licensure fee.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, pangunahing may-akda ng panukala, makatutulong ito sa health care system sa hinaharap.

“Ang pagsasabatas ng Doktor para sa Bayan Act ang unang hakbang para patuloy na maging matagumpay at mamayagpag ang ating mga kabataang nais na maging mga doktor,” sabi ni Sotto.

Ipinahayag naman ni Senador Joel Villanueva, chairperson ng Senate committee on higher education at sponsor ng panukala, bagama’t napakamahal ng kursong medisina sa bansa, mayroon nang pagkakataon lahat ng mga Pilipino na makapag-aral nito sa mga public medical school sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.