Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Medical scholarship para sa mga deserving student

0 69

Noong bata tayo, kapag tinatanong tayo ng mga matatanda sa bahay man o sa kahit sa mga contest, “Anong gusto mo paglaki mo?”. Hindi ba’t ang kadalasang sagot ay “Gusto ko pong maging doktor pag laki ko po”.

“Bakit?”, ang follow up question sa mga bata. Sagot naman ang mga bata ng, “Para po magamot ko ang mga maysakit”.

Noon, ang medisina parang sa pangarap na lang sa mga bata dahil isang factor kung bakit hindi matupad ang pangarap nila ay dahil sa malalaman nila eventually na napakamahal nang pag-aaral ng medisina.

Milyones talaga ang gagastusin sa loob ng ilang taon na pag-aaral hanggang sa magpakadalubhasa ang mga ito. Kaya nga, kapag medisina ang kinukuhang mong kurso, ang sasabihin ng ilan, “Kaya naman nila yan, mayaman sila”.

Kumbaga, kaakibat ng pag-aaral ng medisina ay kailangang may pera ka, kailangang mayaman ka.

Noon iyon. Pero ngayong naipoasa na ang Medical Scholarship o “Doktor Para sa bayan” bill, may pagkakataon na ang mga underprivileged na mga estudyante na makapag-aral nito.

Recently, ipinasa na sa Senado ang measure na ito at gayundin sa Kamara na nauna nang nagpasa nito.

Dalawa ang pangunahing layunin ng measure na ito: ang mapalawak ang access sa medical education at palakasin ang human resource for health ng bansa.

Sa ilalim ng panukalang ito, magkakaroon ng medical scholarship at return service program kung saan magbibigay ng scholarship para sa mga deserving students na nangangarap na maging doktor.

Kapag naging batas na ito, hindi lang ang mga may kaya o mayayaman ang pagkakataong mag-aral ng medisina dahil kahit ang mga underprivileged na mga estudyante o pwede nang kumuha ng kurso na ito.

Sabi ni Senador Joel Villanueva, principal sponsor at isa sa mga author ng panukala sa Senado, maganda ang layunin ng bill na ito para tiyak na mai-improve ang doctor-patient ratio sa bansa.

Sa kasalukuyan kasi, may tatlong doktor sa kada 10,000 populasyon ng bansa. Hindi ba’t masyadong napakababa. Kaya nga, iyong liblib na na mga kanayunan ay hindi man lang makapag-check up sa doktor dahil kulang na kulang ang bilang nila.

Para maabot ang ration na 10 doktor per 10,000, kinakailangan ng bansa ng 80,000 pang mga doktor. Kaya natutuwa ako sa measure na ito dahil may pagkakataon nang madagdagan ng doktor sa ating bansa.

Sa ilaim ng panukala, magbibigay ang gobyerno ng free tution at miscellaneous fees, allowance para sa mga mahihirap pero deserving na medical student sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Ang alam ko, libre na rin ang board and lodging, may transportation allowance pa at sagot na rin ang fees sa pag-review para sa board examination.

At kapag ganap ka nang doktor, required naman silang magsilbi para sa bayan. Tama lang naman kasi pinag-aral ka ng gobyerno at ang ginastos para sa’yo ay mula sa buwis ng taumbayan kaya nararapat lang magserbisyo ka para sa bayan.

Nakaka-excite ang bill na ito at umaasa tayo na malalagdaan na agad ito at maipatupad na sa lalong madaling panahon.

Tiyak na maraming nag-aabang na underprivileged na mga estudyante sa law na ito. Alam naman natin na maraming mahihirap na mga estudyante subalit matatalino kaya’t ito na ang tiyansa na makapag-aral kayo ng medisina. Libre pa!

Leave A Reply

Your email address will not be published.