Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Medico legal officer nahaharap sa kasong kriminal, administratibo

0 77

Posibleng maharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga tauhan ng PNP na lumabag sa proseso.

“Ito ang isang bagay na iniimbestighan po ngayon ng ating kapulisan, both criminally at administratively at posibleng managot dito ang medico legal officer for not complying with the procedures po,” saad ni Usana.

Ipinaliwanag din ng opisyal na ang mga pahayag ni Makati City police chief Col Harold Depositar kaugnay sa rape with homicide ay base lamang umano sa inisyal na imbestigasyon at hindi suportado ng resulta ng medico legal.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit salungat ang mga pahayag ng PNP sa lumabas na resulta ng autopsiya sa bangkay ni Dacera.

Matatandaang iginigiit ni Depositar na nagahasa si Dacera base sa laceration at contusion nito sa hita at tuhod bukod pa sa seminal fluid na nakita sa hotel room na inuukopa ng grupo nito na taliwas naman sa lumabas na resulta ng autopsiya na hilom na ang laceration sa hymen ng dalaga, walang seminal fluid na nakita at aortic aneurysm ang ikinamatay ni Dacera. (Edwin Balasa/Shernielyn Dela Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.