Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Medtech na tinurukan ng Sinovac tigok sa virus

0 1,543

Nasawi ang isang 47-anyos na babaeng medical technician matapos umanong maturukan ng bakuna ng Sinovac.

Gayunman, giniit ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na hindi bakuna ang dahilan kaya nasawi ang health worker, “The DOH and the FDA through the thorough assessment of the NAEFIC consider this a closed case — it was not due to the vaccine.”

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Dr. Lulu Bravo ng National Adverse Event Following Immunization Committee sa isang panayam, Marso 4 nang mabakunahan ang health worker na nagtatrabaho sa pampublikong ospital sa Metro Manila, Marso 10 ito naospital at Marso 14 nasawi.

Sinasabing may comorbidity o karamdaman rin ang med tech bago ito nagpositibo sa COVID-19 at nabakunahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.