Abante Tonite Interactive

Meet Kiteket ang PET nina Marina Benipayo at Ricardo Cepeda!

0 303

Dear FURRever FURRiends:

Kilala niyo ba si Marina Benipayo, ‘yung fa­shion model na naging artista? Baka hindi niyo po alam, siya rin po ay isang animal rights warrior at ang kanyang adbokasiya ay ang pagtulong sa mga pusang kalye.

Mga 5 taon na ang nakalipas, may nadaanang kuting sina Marina at ang kanyang actor husband na si Ricardo Cepeda. “It was on the verge of dying,” sabi ni Marina. “Doon ko nakita how compassio­nate Ricardo was. Since naawa kami, we brought the kitten to the vet and she got well. Now, Kitiket is 5 years old and she is living the life of a señorita. Parang Cinderella story for cats!”

Bagaman si Kitiket lang ang pusa nila sa bahay, may mga street cats silang pinapakain. “We tried having them adop­ted pero sadly, no takers, kaya nag-commit nalang kami na pakainin sila every night. Ang mga pangalan nila ay Softee, Mami, Jona­than, Kuya, Pilay, Ewok, Tres, Kibble, Joey, Maganda, Dokleng, Suga­pa at si Bunso. Ages range from 6 months to 4 years.”

PETmalu ano? Lalo po kayong magugulat dahil si Marina ay may asthma at allergic siya sa pusa! “May nag-a-advise sa akin na ipa-ampon ko nalang daw si Kiteket dahil nga may respiratory problems ako. Ang sagot ko sa kanila —mahal ko si Kitiket. Period. No explanations.”

Sumusuporta rin si Marina at Ricardo sa ‘Adopt Don’t Shop’ campaign. Sabi ng modelo, “Mas okey ‘pag mag-adopt ka nalang kasi natutulungan mo ang aso o pusang kalye. Sana lang mas lumawak ang pag-intindi ng mga tao sa pinagdadaanan ng mga strays and abandoned.”

Dagdag pa niya, “wala akong magagawa if ang basis nila for buying a pet is kesyo mas maganda ang binebenta. Ang hindi nila alam, kapag nag-adopt sila, mas gumaganda pa ang mga inaampon ga­ling sa kalye.”

May mensahe si Marina sa mga pet owner:

“If nag-adopt kayo, salamat at God bless. If bumili kayo, okay lang, pero sana sa kada bili ninyo ng pet, may katumbas na adopted cat or dog, either galing sa sanctuary, o mga nakakaawang naiwan sa kalye. Also, ituloy natin ang pag-unawa sa mga strays at abandoned ani­mals. Lahat ng decision natin says so much about our character.”

Hayop talaga na pet-lover si Marina kaya mga furparents, suportahan natin siya sa kanyang upcoming project: ‘The Descendants’, isang bagong teleserye sa GMA7!

Woofingly yours,

Joyce

Email: UsapangPetmaluAtbp@yahoo.com
Facebook: Joyce Ann Burton Titular
Instagram: Joyce Ann Burton