Abante Tonite Interactive

Meg Imperial dinenay ni JM

By ,
2,899

May mga support group na nagbabantay at gumagabay kay JM de Guzman para tuluy-tuloy ang pagbabago niya.

Kinakailangan ito para hindi na bumalik sa kanyang bisyo.

Sinabi ni JM sa presscon ng PHR presents Araw Gabi na patuloy pa rin ang pagbisita niya sa nasabing support group.
Parang hindi galing sa rehab si JM sa kanyang itsura ngayon. Mas guwapo pa ito kaysa noong hindi pa siya nawala sa sirkulasyon.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, itinanggi ni JM na meron siyang kasintahan. Dinenay niya si Meg Imperial.

Ayon kay JM lumabas lang daw sila ni Meg pero hindi naging sila. (Rey Pumaloy)

***
Tinawanan ni Meg Imperial ang pagtanggi sa kanya ni JM. Wala siyang sama ng loob sa deklarasyon ng Araw Gabi actor.

“Hahaha. Hindi po talaga naging kami. We were good friends na nagkaroon ng understanding but not to the point of having a relationship,” paglilinaw ng aktres.

Nagkibit-balikat din siya na mahilig sa Imperial si JM. Pagkatapos ma-link kay Meg, si Barbie Imperial naman ngayon ang ka-partner niya. (Roldan Castro)