Abante Tonite Interactive

Meg, LINTA kay Matthias

By
Meg Imperial
13

ITALIAN citizen ang bagong guy na dine-date ni Meg Imperial.

Pure Pinoy na tumira sa Italy at 5 years pa lang dito sa ‘Pinas ang binata na na-meet niya nu’ng Christmas last year.

Bale 9 months na silang nagdi-date, pero hindi pa sila. Dating lang, wala pang label kemerut.

Abante Hiring – IT dep

Guwaping ang nasabing lalaki, na ang tsika sa amin ni Meg ay napagkakamalang artista.
27-anyos ito at siya ay 24.

They share many things in common at feeling ni Meg ay male version niya ang nasabing guy.

Ang alam namin ay naging sila dati ni JM de Guzman, pero itinanggi ‘yon ni Meg.

As in hindi raw naging sila ni JM, nanligaw lang ito sa kanya at sandali lang ‘yon.

Si Aki Torio, na isa sa bagets co-hosts noon ni Kuya Germs sa Walang Tulugan ang nag-iisang taga-showbiz na naging boyfriend ni Meg.

Kasama si Meg sa cast ng bagong GMA show ni Marian Rivera na Super Ma’am.

After niyang maging parte ng D’Originals ay nag-offer ulit ang Kapuso network, kaya dito muna si Meg.

Natuwa siya na sunud-sunod ang work niya sa GMA dahil namatay sa cardiac arrest ang daddy niya months ago at siya ang breadwinner ng pamilya.

Nasa Viva pa rin si Meg at hinahanapan pa siya ng magandang movie project.

First time niyang makatrabaho si Marian. Kontrabida siya sa Super Ma’am at kaagaw siya ni Yan sa bagong Kapuso hunk na si Matthias Rhoads.

Matthias Rhoads
Matthias Rhoads

As in may agawan sa pagitan ng dalawang teacher na dating magkababata.
May pagnanasa si Meg sa hunkylicious na si Matthias.

Sa school ay demure siya, pero sa labas ng eskuwelahan ay inilalayo niya ito kay Marian at kung makadikit siya sa binata ay para siyang linta.

May slight malditahan sila ni Yan bilang nag-aagawan sila sa lalaki, pero pa-comedy at parinigan lang dahil teachers sila pareho at parang masagwa kung magbabangayan sila at magsasabunutan.

Sey ni Meg, nakakatuwa na nakatrabaho niya si Marian. Mabait ito at parang ate sa kanila.
Nagbibiruan sila sa set at nagkukuwentuhan.