Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meg, Nathalie, Jennifer pumiyok sa nakawan ng dyowa

0 134

NI: ROLDAN CASTRO

Natawa sina Ella Cruz, Meg Imperial, Jennifer Lee, Nathalie Hart sa tanong kung paano kung nakawin ng ibang babae ang dyowa nila.

Sey ni Meg, kung inahas daw ang boyfriend niya ay hindi deserved na makapiling niya. Hayaan na lang daw kung ka-steal, steal siya sa ibang girls dahil hindi ito karapat-dapat. Ibig sabihin nu’n ay hindi ka priority at hindi ka love talaga.

Okey lang din daw kay Nathalie dahil ang ibig sabihin ay hindi ito para sa kanya.

“Kung hindi ako sapat sa kanya okey lang ‘yun. Puwede pa ako maka-meet ng sapat ako para sa taong ‘yun,” deklara pa niya.

Hindi pa naman nangyari kay Jen na maagawan ng dyowa. Pero pag nangyari ‘yun ay maiinis siya at mabu-buwiset.

Agree naman si Ella sa sinabi ng tatlo.

Anyway bagay ang nakawan ng dyowa sa bago nilang pelikula .Inihahandong ng Bluart Production at VIVA Films ang thrilling comedy-mystery movie STEAL, na pinagbibidahan nilang apat.

Tatlong Pinay na nakatira sa Japan ang naging magkakaibigan sa isang weekly Filipino gathering sa Kitakyushu, Fukuoka. Ito’y sina Hiyasmin Macaraig (Meg Imperial), Cynthia Mae Valdes o CM (Ella Cruz) ,Mitch Sarmiento (Jennifer Lee).

Sa isang weekend gathering nila, nakilala nila ang isang misteryosang Pinay na si Platinum (Nathalie Hart), na siyang nag-alok sa kanila ng isang plano na mahirap tanggihan: nakawan ng pera ang mapang-abuso at illegal businessman na asawang hapon ni Platinum na si Tanaka (Guji Lorenzana). At dahil kailangan nila ng pera, agad silang pumayag sa inalok na plano ni Platinum.

Mula sa direktor ng “Hanggang Kailan” at “I Found My Heart in Santa Fe” na si Bona Fajardo, isang kombinasyon na naman ng natatanging istorya at lokasyon ang ihahatid niya sa big screen. Shot entirely sa Kitakyushu Fukuoka, Japan, ipapakita ng STEAL ang kakaibang charm ng siyudad.

Showing na ang STEAL sa mga sinehan

Leave A Reply

Your email address will not be published.