Abante Tonite Interactive

Meg palaban sa rape scene

By
1,854

Sa dinami-rami ng ginawang mga ‘rape scene’ ni Meg Imperial sa movie o TV, sa ‘Jacqueline Comes Home (The Chiong story)’ nga raw siya sobrang attached.

“Physically demanding siya pero magagaling ‘yung mga nag-portray ng mga rapists namin dahil napakaingat din nila. Minsan nga ako pa ‘yung nagsasabing diinan naman ang hawak para mas convincing,” sey ni Meg.

Ang pagiging ‘real-life story’ daw ng materyal ang nagbigay ng attachment kay Meg. Bukod kasi sa pagiging social issue ng rape (kahit halos two decades back nang naganap), inilalaban din ng film ang truth and justice.

Abante Hiring – IT dep

Halatang ganado si Meg sa movie dahil mas pumayat ito, laging makinis at maalindog.

Ang anak ni Direk Carlo J. Caparas na si Peach Caparas ang direktor ng 2018 version ng kontrobersiyal na Chiong sisters story na gumulantang sa mga balita noon.

Si Donnalyn Bartolome naman ang isa pang sister na kasama ni Meg, habang sina Joel Torre at Alma Moreno ang gumaganap na mga parent nila.

Sa July 18 na ang showing ng movie under Viva Films.