Abante Tonite Interactive

Meg umaming in love sa ‘Abantelliling’

By
764

Napaamin na wala sa oras ang aktres na si Meg Imperial nang mag-guest ito sa online show na Abantelliling ng Abante TNT Live na may boyfriend siya ngayon.

Hindi na maitanggi ng aktres na in love nga siya nang matanong ng mga host na sina Dondon Sermino at Rey Pumaloy tungkol sa lovelife niya.

Ayon sa aktres na isang Fil-Portuguese at nasa real estate ang kanyang dyowa at nagkakilala sila sa isang Christmas party. Si Meg Imperial ay mapapanood sa movie na Abay Babes kasama sina Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, Nathalie Hart at Kylie Verzosa. Tunghayan nang buo ang interview kay Meg sa www.tnt.abante.com.ph.