Abante Tonite Interactive

‘Mega shabu lab’ case ng ex-NBI director pinapalipat sa MM

448

Hiniling ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Supreme Court (SC) na ilipat sa Metro Manila ang illegal drug cases laban sa dating National Bureau of Investigation (NBI) regional director, kasama ang 8 iba pa kaugnay ng ‘mega shabu laboratory’ na nadiskubre sa Virac, Catanduanes noong 2016.

Sa 4-pahinang sulat sa SC, hinirit ni Aguirre kay acting Chief Justice Antonio Carpio na ilipat ang kaso ni Augusto Eric Isidro mula sa sala ni Virac Regional Trial Court (RTC) Branch 43 Judge Lelu Contreras, sa Quezon City o sa Makati RTC.

Aniya, nagsampa ng motion to inhibit ang prose­cution panel laban kay Contreras dahil sa nangya­ring delay sa pag-iisyu nito ng search warrant sa lugar kung saan nadiskubre ang drug lab. Gayunman, nag-isyu din ito ng search warrant.

Ayon kay Aguirre, noong Nobyembre 25, 2016 ay sinabi umano ni Contreras sa mga pulis na humihi­ling na mag-isyu ng search warrant na magpapalabas lamang siya ng sertipikasyon kapag napatunayan ng mga awtoridad na walang building permit ang nasabing warehouse.

Kinabukasan ay nagulat na lamang ang mga awtoridad nang makita sa warehouse ang judge, kasama si Virac Mayor Samuel Laynes, at asawa ni Isidro na si Angelica Balmadrid-Isidro.