Abante Tonite Interactive

Megan at Mikael ‘di nagli-live in

7,370

Dahil kalilipat lang ni Mikael Daez ng bahay, marami ang nag-assume na baka nagli-live-in na sila ng girlfriend na si Megan Young lalo pa nga’t namamataan din ang aktres doon na imposible namang hindi simply because magkarelasyon nga sila.

“Hindi naman. Siguro akala lang nila, kasi madalas ako sa house niya or madalas siya sa house ko. Hindi naman malabong mangyari na isipin nila ‘yun kasi napapadalas kami sa bahay ng isa’t isa,” katwiran ni Megan.

Wala naman daw problema if magli-live-in sila coz 7 years na ang relasyon nila and nasa wastong gulang naman sila.

“Pero sa ngayon, hindi na siguro muna kasi whatever arrangement we have now na may sarili kaming place na meron ako, meron siya, that’s what works for us.

“I respect other people who want to live toge­ther, that’s their decision, it works for them, pero sa amin, okay kami sa ganitong set-up,” she said.

Para na rin naman silang magka-live-in dahil nga halos araw-araw din sila magkasama since may teleserye sila together sa GMA-7, ang The Stepdaughters na napapanood tuwing hapon.

More than two months na ring tumatakbo sa ere ang soap at sey ni Megan, sobrang happy siya dahil lagi silang sabay sa taping. Bukod dito, magaan din ang pagtatrabaho dahil wala nang adjustment period.

“It’s fun working with Mikael kasi hindi ako nahihirapang mag-adjust, hindi ako nahihiya sa kanya na ngayon, so it’s nice having somebody there to support you lalo na pag ‘yung eksena, mahirap, madali na lang mag-motivate. Namo-motivate niya ako,” sey ni Megan.

At sobrang happy rin daw siya sa karakter niya bilang Mayumi dahil ito raw ang pinakakakaibang karakter na nagampanan niya sa lahat ng nagawa niyang teleserye.
“And maraming nagme-message rin sa akin, so happy ako nakaka-relate sila kay Mayumi, sa karakter niya, sa buhay niya.”

Very soon daw ay makikita na ang revenge ni Mayumi which is ang pagiging successful nito sa buhay.

“Hindi siya kasi revengeful na tao. Basta para sa kanya, ‘I’m gonna make myself better.’ ‘Yun ‘yung revenge ko. Hindi siya ‘yung parang “ah, ilalagay kita sa putik,” ‘yung mga ganu’n, hindi siya ganu’n, ayaw niya ng ganu’n. Gusto niya, maging successful siya. Being successful is her revenge,” saad pa ni Megan.