Abante Tonite Interactive

Megan ayaw tantanan ni Katrina

1,086

tonite-this-is-it-roldan-castroSoulmates nga kung tatawagin ang real-life couple na sina Megan Young at Mikael Daez dahil match na match ang kanilang mga hilig—sa pagta-travel man o kahit na anong bagay.

Pero in reality ay couple goals ang dalawa.

Samantala, puro gulo naman ang pumapalibot sa relasyon ng kanilang mga karak­ter bilang sina Mayumi at Francis sa hit GMA Afternoon Prime series na The Stepdaughters dahil sa demonyitang stepsister ng dalaga na si Isabelle (Katrina Halili). Ayaw silang lubayan.

Kaya naman, hindi na rin nakapagtataka na maraming Kapuso viewers ang gigil na gigil sa karakter ni Katrina. Kailan kaya magwawakas ang kasamaan niya gayong pati ang ama niyang si Hernan (Gary Estrada) ay matindi na rin ang galit sa kanya?

Mikee-Kate ‘di apektado ang friendship

Unforgettable experience para sa Onanay lead star na si Jo Berry ang nakaraan niyang regional mall show sa Davao para sa 33rd Kada­yawan Festival kung saan nakasama niya ang co-stars na sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral at Enrico Cuenca.

Sey niya, hindi inaasahan ang mainit na pagtanggap ng mga Davaoeño kaya naman taos-puso rin ang pasasalamat niya sa mga ito. Jampacked ang naturang mall show nila na ginanap sa Gaisano Grand Mall Toril sa Davao.

Anyway, palagi mang magkaaway sa Onanay sina Mikee Quintos at Kate Valdez, hindi naging hadlang ito para lalo pang maging mag-BFF sina Mikee at Kate.

Matapos kasi ang una nilang pagsasama noon sa Encantadia, hindi na nga talaga mapaghiwalay ang dalawang­ Kapuso stars. Pero dahil daw sa pinakabago nilang GMA Primetime series, mas na­ging malalim ang kanilang pagsasama ngayon dahil sa kanilang mga matitinding eksena.

Friendship goals talagang maituturing ang dalawang ito.

Nina, inosente

Mukhang inosente ang alindog ni Nina Monica Madrid ng Caloocan City, 20 years old at may sukat na 34-24-36. Tourism ang kanyang kurso sa Lyceum of the Philippines University Manila.

Pangarap niya na ma­ging flight attendant, actress at maging beauty queen na kasalukyang kandidata ng Miss Tourism Philippines.

Gusto rin niyang maging ehemplo ng mga kababaihan na kayanin lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay.

Ang kanyang celebrity crush ay si James Reid.

Panganib sa A.X.L.

Inihahandog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment, ang “A.X.L.”, isang inspiring action-adventure movie na hango sa pitong-minutong short film na Miles, na likha rin ng direktor nito na si Oliver Daly.

Si A.X.L. ay isang top-secret, robotic dog na mayroong advanced artificial intelligence na gawa ng military. Matapos ang isang bigong eksperimento,­ matatagpuan ni Miles si A.X.L. na nagtatago sa isang disyerto.

Dahil sa nagtatag­lay si Miles ng mapag-aruga at busilak na puso madali niyang mapapaamo at mapapasunod si A.X.L. Gagawin ni A.X.L. ang lahat upang matulungan at maprotektahan ang bagong kaibigan, kahit pa kalabanin niya ang scientist na lumikha sa kanya.

Gaganap bilang Miles si Alex Neustaedter, na top choice ni Daly para sa role. Inilarawan niya si Neustaedter bilang isang Luke Skywalker na mayroong quality ni James Dean. Ayon kay Daly, ang totoong ba­yani ng kuwento ay si Sara na ginagampa­nan ng aktres, pop star, at model na si Becky G.

Tinatalakay ng A.X.L. ang mga importanteng issue na nangyayari sa totoong buhay, lalo na ang tungkol sa panganib na dulot ng unchecked technological advancement.

Gusto ni Daly na mapagtanto ng mga tao na hindi lang naman talaga artificial intelligence ang problema kundi ang mismong mga taong nagkokontrol dito.

Ang “A.X.L.” ay isang timeless, epic adventure para sa buong pamilya. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa Agosto 29.