Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Megan madugong Gaming Queen

0 175

NI: ARCHIE LIAO

Sa panahon ng pandemic, lalong nag-ibayo ang hilig ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez sa paglalaro ng online games.

Katunayan,minsan nang umaray noon ang magkabiyak dahil sa laki ng binayaran nila sa credit card dahil sa paglalaro.

Sa isang video, mulig ipinasilip ng actor kung paano sila nagbo-bonding ng misis sa kanilang hobby at pastime.

Ipinakita kung paano niya inaalagaan ang dating Miss World na aniya’y high maintence gaming queen.

Sa kaniyang Instagram, makikitang pilit niyang sinusubuan si Megan habang abala sa gaming.

“Eto ang totoong sitwasyon sa bahay namin. Kelangan at-your-service lagi para sa uber high maintenance gaming queen ???????????? ako’y server, waiter at feeder lang po para sa kanya,” caption niya.

Gayunpaman, nilinaw niya na biru-biruan lang daw ang lahat dahil sa totoo lang, si Megan daw ang totoong “feeder” o patalo.

“#OfCourseThisIsAJoke #SiyaPoAngTotoongFeederSaVideoGames #ThatLastHashtagWillGetMeInTroubleTho ???????????? #IWillSitInTheCornerNowBeforeSheTellsMeToDoSo” ani Mikael.

Leave A Reply

Your email address will not be published.