Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Megan mas agresibo, wild kay Mikael

0 417

Sa latest episode ng #BehindRelationshipGoals podcast nina Mikael Daez at Megan Young, tinalakay nila ang ‘ligawan’ stage.

Ayon kay Mikael, siya ang mas conservative pagdating sa courting habang si Megan ay aggressive at westernized ang pananaw.

“For Boneezy, it was very spontaneous, I mentioned this in a previous podcast already. It was my birthday and we had a good night out. We were in the parking lot and naramdaman ko na at that point like in my head and in my heart, I was like ‘Tanungin ko na ‘to. Feel ko lang ngayon eh.’ And that was me coming out of my shell kasi at that time, very conservative ako ‘di ba?” sabi ni Mikael.

“This was me evolving like a Pokemon. May super short, spontaneous speech ako na sinabi and I said ‘Will you be my girlfriend,'” dagdag pa ni Mikael.

Aminado naman si Megan na hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang kilig na naramdaman nung araw na iyon.

Gina Lopez pararangalan sa ASAP

Ginugunita ngayong buwan ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Environment Secretary at ABS-CBN Foundation chairperson Gina Lopez.

Ang alaala ng kanyang mga makabuluhang programang pantao at mga aral sa buhay na kanyang itinuro ay mapapanood sa mga cable TV programs at digital platforms ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Foundation sa buong buwan ng Agosto.

Ang pinakaaabangan ng lahat ay ang paglulunsad ng libro na pinamagatang, “I Am Gina,” na isinulat ni Jenie Chan. Ang libro ay naglalaman ng mga kamangha-manghang kuwento ng naging buhay ni Lopez bilang misyonaryo sa Africa at India. Nakapaloob din dito ang mga kagila-gilalas na pagsubok at kahanga-hangang tagumpay na kanyang natamasa sa pagpapatupad ng iba’t-ibang proyektong kanyang nasimulan.

Sa gitna ng kahirapang nararanasan ng karamihan ngayong panahon ng pandemya, hangad ng ABS-CBN na ang mga aral na ibinahagi ni Lopez ay patuloy na makapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino.

Magkakaroon ng tribute ang programang “ASAP Natin ‘To” para kay Lopez sa darating na Agosto 30. Mapapanood ito sa iWant, YouTube at Facebook pages ng ABS-CBN.

Abangan din ang “G Diaries” sa iWant sa darating na Agosto 16, 23, at 30. Ipalalabas dito ang iba’t-ibang kuwento at mga di-makalilimutang alaala ni Gina Lopez sa likod ng kamera noong siya ang host ng programa mula 2017 hanggang 2019.

Mapapanood din ang The Healing Eucharist sa iWant.ph, isang live na misa alay kay Lopez sa ika-19 ng Agosto, ang eksaktong araw ng anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.