Abante Tonite Interactive

Megan-Mikael vs. Lara-Marco

By
16

ISANG nakakakilig na Sabado ang masasaksihan ngayon sa Celebrity Bluff stage dahil tatlong real-life sweethearts ang mga bisita ni Eugene Domingo.

Hindi ordinaryong game night ang hatid nina Megan Young at Mikael Daez, Jon Gutierrez at Jelai Andres, at Lara Quigaman at Marco Alcaraz sa pagsagot ng trivial questions ni Uge dahil one-of-a-kind kilig din ang dala nila.

Pero sino nga kaya sa kanila ang matutulungan ng ating celebrity bluffers na pinangungunahan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza at comedians na sina Boobay at Isko Salvador para makaabot sa jackpot round?

Tutok ngayong gabi sa Celebrity Bluff pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.