Abante Tonite Interactive

Megastar binato ng tissue ang dating asawa

3,406

MABUTI naman at bumuluga na ang patalastas nina Megastar Sharon Cuneta at Forever Hearthrob Gabby Concepcion na may theme song na ‘Kumusta Ka’ para sa isang fast food chain dahil nga bagot na bagot na ang karamihan sa mga paandar at payanig tungkol sa kiyeme latik na tell all aklat ni Mark Bautista.

Ang daming hokus pokus na chika, ang daming haka-haka na alam naman nating si Bautista lang naman talaga ang makakasagot. Mapangatawanan niya sana ang kanyang mga katotohanan niya.

Breath of fresh air para sa showbiz landia, balana, dabarkads at madlang pipol ang commercial na kahit paulit-ulit mong panoorin, hindi mo pagsasawaan dahil talaga namang good vibes at kilig ang hatid.

Who would have thought na two beautiful people in their golden and seasoned years, may audience impact pa talagang hatid. Perfection ang commercial, at talaga namang kuhang-kuha angkaguwapuhan ni Gabby. I have never seen this guwapo. Bampira ba siya? Bakit kaya as he matures, mas lalong nagiging pang leading man ang kanyang kakisigan at kagandahang lalaki? Bagay na bagay ang suot niyang sky blue, round neck pull over paired with black denim pants.

Captured rin ang kariktan ni Ate Shawie na visible na nga talaga ang pagpayat at sunshiny at soft ang bagsak niyang hair at appropriate ang kanyang V-Neck black blouse. Simple pero super alta ang styling ni Cuneta. Hindi halatang pinaghandaan niya.

Ang mga nakakatuwa sa ad, ‘yung kunyari may pag-aalala si Concepcion kay Cuneta na maki-share sa mesa nito na ang reaksyon shot ay “Ikaw naman, parang wala tayong pinagsamahan.”

Aliw ‘yung pag-upo ni Gabby, may eksenang isusubo ni Ate Shawie ang isang French fry tapos buong giliw siyang pagmamasdan nito. Pag nahuli ni Sharon ang tingin ng kanyang dating Dear Heart, iiwas ni Gabo ang kanyang mga mata sa nanay ni KC Concepcion.

Nung ang daddy naman ni Kristina Cassandra ang papangas na fried chicken, si dating Madam Chairman naman ang titingin sa lalaking minsan ay minahal niya tapos, nung nagtama ang mga mata nila, si Sharon naman ang umiwas ng tingin.

Wagi ‘yung sabay silang magsusubo sa piniritong patatas at ‘yung the moves ni Gabriel na pinunasan kunyari nito ang mumo sa gilid ng labi ni Cuneta. Si Sharon naman, ang emotada encarnacion, malambing na binato ang hawak na tissue sa dating asawa.

Sa true lang, megadoses of kilig ang hatid ng commercial.  At ang panalo sa lahat, na the ex lovers and biological parents of KC ay nasa tamang state of their minds and hearts kaya nangyari ito.

Ang sabi nga ni Sharon sa kanyang social networking site, “the best gifts my new ‘project’ has given me are: A renewed friendship with the one I never thought I could ever be friends with again although he is such a big part of my life and my career… AND a happy daughter.”

Naka-tagged sa nasabing post ang mag-amang Gabby and KC Concepcion.

Posted rin sa official Facebook page ni Sharon ang isang behind the scene video kung saan may selfie at video moment sila. Dahan-dahan pa ngang ipinatong ni Gabby ang braso niya sa balikat ni Sharon habang sila ay kinukunan ng larawan. Ang kabaliw, ang mga tao sa paligid, dinig na dinig ang ingay, hiyawan at kilig.

Sa mga nagsasabing may chance na magselos si Senador Kiko Pangilinan dahil sa pagsasama nila ni Gabby, ang reak agad ni Ave Shawie, “Naku, super secure si Kiko.”

Ang isa pang nilalang na sobrang ligaya, siyempre pa si Kristina. May screen grab itong nagpapakita na ang tatay niya ay sinusundan ang nanay niya sa Instagram. May post rin si KC na, “Well played, fam. Ne­ver in my wildest dreams.”

Sana, may isang programa, pwedeng sa Rated K o sa Kapuso Mo Jessica Sojo, na ipapakita ang mga behind the scenes of the commercial shoot at may actual interview pa nina Sharon at Gabby.

Ay, ang saya-saya nun, ‘di ba naman?

JaDine go for the gold ang laplapan

EH, ano naman ang hatid ng teaser nina James Reid at Nadine Lustre para sa bago nilang pelikulang “Never Not Love You.”

Sa unang panood, alam mong ang JaDine, mas marubdob na intimacy level ang ipapakita dito. May chance na magamit sa promo ang isyu na silang dalawa ay co-habiting na dahil nga si James sa pelikula, inaya si Lustre na mag-live in na sila at “it will be their own small world, kung saan ang isa’t isa ang una at huling taong makikita nila araw-araw, gabi-gabi.

At yes oh yes, hindi kumpleto ang movie ni Reid at Lustre kung walang laplapan. Sa maikli nilang patikim, go for gold na ang halikan nilang dalawa. Eh paano pa kaya sa buong movie?

Kung ito talaga ay tungkol sa joys and perils of co-habiting, makakaasa tayo na may cinematic sexual congresses na pagsasaluhan ang dalawa. Level up na level sa mapusok na pagmamahalan, huh.