Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Megastar nagluksa sa Presidente ng Sharonian

0 217

Nagluluksa si Sharon Cuneta ngayon dahil sa pagyao ng kanyang long-time original fan at naging Presidente ng The Solid Sharon Cuneta Fan Club na si Remy Ramirez.

Ayon sa Instagram post ng Megastar, wasak na wasak daw ang puso niya ngayon dahil marami raw sa mga taong mahal niya ay unti-unting nawawala since last year.

“I am so heartbroken…I had turned off all notifications on my phone for my messages & have not been checking them since several days ago, like I haven’t been on any social media except to post on “Thank Yous” on IG, when I started my socmed and phone detox.

“As it turns out, which my masahista Bing told me about just now, one (of) my “originals,” my REMY RAMIREZ, the President of The Solid Sharon Cuneta Fan Club in the late 70s or early 80s – and who stayed solid and loved me til the very end, when she became sick, and who now, has left behind me and other Sharonians, especially those who were her members and many who just became her friends…

“I am heartbroken…Too many of those close to my heart have been going since last year…

“This year when COVID has taken away many, other things took my beloved friends, my family in Tita Paz, other relatives,” pahayag ni Sharon sa kanyang post.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hiling ni Megastar na sana raw ay matapos na ang pagkuha sa kanyang mga mahal sa buhay.

“2020 sana matapos na ang pagkuha mo sa amin at mga mahal namin,” aniya.

Pagkatapos nito ay nagbigay ng kanyang huling mensahe si Sharon para sa kanyang ever-loyal fan na aniya ay mas nauna pa niyang nakilala kaysa kay Gabby Concepcion.

“Remy, nasaan ka man, hinding-hindi kita kakalimutan. Mas matagal pa kitang kilala kesa sa Papa ni KC! Bata pa talaga ako nung nagkakilala at minahal mo ako. At saludo at nagpapasalamat ako sayo ng buong puso…kasi NEVER mo akong iniwan o ipinagpalit…o kahit ‘dinagdagan’ ng ibang idolo…

“Napakasakit sa akin na malaman na di tayo pinagbigyan ng COVID na magkita man lang bago ka umalis…di man kita nayakap ng mahigpit at napasalamatan at nasabihan ng gano kita kamahal, gaano kita inaappreciate, at di na kita makakalimutan…

“Maraming salamat Remy ko…sa mga asalto sa birthdays ko nung bata pa ako sa Dasma, kung saan kasama mo ang ibang Sharonians at mga kaibigan mo sa Cursillo…magsisindi kayo ng kandila, kakantahan nyo ako, happy birthday – tapos may cake na. Tapos sasayaw na tayo sa driveway namin.

“At all these years, di ka nagbago sa pagmamahal at loyalty mo sa akin…I will miss you so much, my Remy…” ang bahagi ng mahaba at sinserong mensahe ni Sharon sa kanyang fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.