Abante Tonite Interactive

Megastar paubos na ang ningning

714

Isa nga sa mga posibleng nalungkot sa resulta ng eleksyon ay si Megastar Sharon Cuneta. Bukod sa walang nakapasok na taga-Otso Diretso sa Senado na suportado ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan, natalo rin ang kanyang kapatid na si Chet Cuneta sa pagka-mayor ng Pasay.

Kung hindi sana siya may ipino-promote na pelikula, mas natutukan niya ang pagtulong sa kandidatura ng kapatid.

Ang paglalagay umano ng ‘Sharon Cuneta’ para sa boto ng kapatid na si Chet sa official ballot ay hindi rin daw nakatulong.

Ayon sa mga netizen, siya na lang ang tumakbo sa susunod na halalan at baka may chance pa na manalo.

Kapag nag-win siya ay masasabing once a megastar, always a megastar.

Samantala, ang pelikula niyang “Kuwaresma”, hindi rin big hit sa takilya. Wala pang announcement kung magkano talaga ang kinita. Ganoon din ang kapalaran ng comeback movie nila noon ni Richard Gomez.

Papaubos na ba ang ningning ni Megastar? O, parang dragon lang na nagpapahinga pero bubuga rin ng malakas na apoy sa takdang panahon? (Jun Lopez)