Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Megawide-Saavedra swak sa airport scam

0 65

Ni Nancy Carvajal

Nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) prosecution panel para sampahan ang bilyonaryong si Edgar Saavedra at 14 na iba pa ng dalawang kaso ng paglabag diumano sa Anti-Dummy Law kaugnay ng operasyon ng Mactan Cebu International Airport (MCIA), base sa mga opisyal na dokumento.

Nasa 148 pahina ang resolusyon ng DOJ panel na may petsang Oktubre 8, 2021 subalit ilang bahagi lamang ng mga nilalaman nito ang ibinigay sa mga reporter.

Magkahiwalay umanong isasampa ng mga prosecutor ang dalawang kaso sa Regional Trial Court at sa 8th Judicial Region.

Nauna rito ay nirekomenda ng Anti-Fraud Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban kay Saavedra at iba pang Pinoy at dayuhang opisyal ng GMR-Megawide Cebu Airport Corporation (GMCAC) dahil sa paglabag sa Commonwealth Act No. 108 o kilala rin bilang Anti-Dummy Law.

Kasama ni Saavedra na kakasuhan ay sina Manuel Louie Ferrer, Oliver Y. Tan, Jez De la Cruz, Srinivas Bommidala P. Sripathy, Vivek Singhai, Andrew Acquaah–Harrison, Ravi Bhatnagar, Ravinshakar Saravu, Michael Lenane, Sudarshan MadaavDoddathota, Kumar Gaurav, Magesh Nambiar, Rajesh Madan at Steve Dicdican.

SM food to go Banner Ad

“The foreign nationals acted as executive officers, managers, and/or employees of GMCAC in the guise of being advisors, experts, and/or technical personnel in conspiracy with officers and members of the board of directors (BOD) of GMCA,” saad sa resolusyon.

Binigyang-diin pa sa resolusyon na pinayagan at binigyang pahintulot ng GMCAC Board of Director ang mga foreign national na walang kuwalipikasyon sa ilalim ng Saligang Batas `to acquire, use, exploit, or enjoy a right, franchise, privilege, property or business, na karapatan para lamang sa mamamayan ng Pilipinas.

Inakusahan sila na nakialam sa management, operation, administration o control ng GMCAC, isang public utility corporation na mayroong prangkisa para sa pagpapatakbo ng Mactan Cebu International Airport.

Kinasuhan din si Dicdican, ang general manager at chief executive officer ng MCIA dahil tinulungan pa diumano at pinabayaang labagin ang Anti-Dummy Law ng mga akusado.

Sinuspinde si Dicdican ng Office of the Ombdusman noong Disyembre 2020 dahil sa mga katulad umanong kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.