Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Megawide sinupalpal sa pagdawit kay Digong

0 187

Nanawagan ang isang mambabatas kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pagsabihan ang pamunuan ng Megawide Construction Corporation na huwag kaladkarin ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatangkang mabago ang naunang desisyon ng pamahalaan na binasura ang original proponsent status nito para sa expansion project sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, tila pinalalabas umano ng Megawide na suportado sila ng Pangulo sa kabila ng naging posisyon ng Department of Finance, National Economic and Development Authority, at Board of Directors ng Manila International Airport Authority na hindi sila nakakatugon sa mga requirement para patuloy na mapasakanila ang original proponent status sa nasabing proyekto.

Aniya, kilala ang Pangulo na hindi pumapabor sa mga kontraktor na hindi dumadaan sa tamang proseso.

Isa si Nograles sa kumuwestiyon sa kakayahang pinansiyal ng Megawide para hawakan ang naturang proyekto. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.