Abante Tonite Interactive

Megaworld-Tan binaboy ang ‘Avengers: Endgame’

408

Inulan ng batikos mula sa mga netizen ang Megaworld Lifestyle Cinemas dahil sa pagpapalabas ng inaabangang “Avengers: Endgame” na may Chinese subtitle.

Ang Megaworld ay pag-aari ng bilyonaryong si Andrew Tan.

Nabatid na ipapalabas ng mga sinehan sa mga mall ng Megaworld ang naturang pelikula sa Abril 24. Pero hindi nagustuhan ng ibang na­kabili ng ticke­t na may Chinese subtitle ito.

Ang iba ay humihingi ng refund dahil hindi umano nila alam ito.
“Watch the most awaited next installment in the Marvel Cinematic Universe, #AvengersEndgame, with Chinese subtitles. Showing in select cinemas on April 24,” nakasaad sa Facebook page ng Southwoods mall.

Bukod sa sinehan sa Southwoods Mall, ipapa­labas din ang huling sequel ng Avengers sa iba pang sinehan ng Megaworld tulad sa New Port, Lucky Chinatown, Eastwood at Venices sa McKinley Hills.

“Can I ask for a refund for tickets bought within the covered dates? It’s not pleasant to watch it with subtitles,” sabi ni Edward Carpo sa FB page ng Southwoods Mall.

“I agree. Bought ticket­s yesterday and this was not disclosed in the counter. I would not have bought tickets if there were subtitles in the mo­vie. This is infuriating,” komento naman ni Ro­bert Theo Cailing.
Nagre-reply naman ang Southwoods Mall:

“Good day!

As stated in the announcement and indica­ted in our website, only select cinemas and scree­nings will have Chinese subtitles. This does not automatically apply to all screenings including those wherein tickets were purchased in advance.

We also ensure that customers are properly informed if the screenings they chose will have Chinese subtitles prior to their purchase.
Thank you very much.”

Pero ilang netizen ang pumuna na tila naka-program na ang sagot ng natu­rang mall sa bawat nagre­reklamong netizen na na­kabili ng ticket at gustong i-refund ang binayad nila.

“I bought 3 tickets for Cinema 2 in Lucky Chinatown and the cashier didn’t informed me that it has Chinese Subtitles. I want to refund my tickets for this issue,” ayon sa isa pang netizen na si Sanny David Mejos.